Bakit walang ka-date sa Valentine’s Day si JM de Guzman?
Nagpasalamat din si JM de Guzman sa mga magagandang feedback ng kanyang rendition ng ‘214,’ para sa pelikulang Alone/Together.
BY PUSH TEAM
2/11/2019 1:02 PM
Bakit walang ka-date sa Valentine’s Day si JM de Guzman?

Inamin man na wala siyang ka-date ngayong Valentine’s Day, nakangiti pa rin ang Kapamilya actor na si JM de Guzman na humarap sa press sa naganap na launching ng kanyang bagong endorsement na JM Shawarma nitong Pebrero 9. Ayon sa aktor, mas gusto niyang mag-focus sa mga proyektong ginagawa niya ngayon kaysa sa maghanap ng ka-Valentine’s.

"’Yung mga blessings ngayon na binibigay sa akin, kailangan ko muna sigurong pagtuunan ng pansin. At maibigay ko yung 100% focus ko to reach my goals for my family, for myself. Yun muna siguro," sabi ni JM sa press na binibiro niyang baka may irereto sa kanya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Blessed to be chosen to be the endorser of @jmshawarmaofficial . Franchise with me soon!🙏 #jmmyonetruelove

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

 

Ikinuwento rin ni JM ang emosyonal na proseso niya kasama ang Star Music producer na si Jonathan Manalo sa paggawa ng rendition ng Rivermaya song, ‘214.’ 

"Grabe yung process no’n. ‘Yung unang process ko, sobrang masyadong emosyonal. Pinapakinggan ko lang sa headphones ng mga tatlong oras, palakad-lakad lang ako. [Tapos] tinext ko si Sir Jonathan, parang masyado siyang rough and emotional, tulungan mo ako para maging rom-com siya or something. So inulit namin, tinipla namin nang maayos ‘yung emosyon," kwento ni JM.   

"Sobrang masaya ako, kasi kapag kinanta mo yung kanta na ‘yon, baka magalit ‘yung mga fanatics ng Rivermaya," dagdag ni JM na inaming isang fan din ng nasabing banda.

 

Samantala, ni-reveal din ng aktor na malapit na rin ilabas ang trailer ng pelikula niya kasama si Arci Munoz, ang Last Fool Show. "It's a comedy rom-com. It’s a parody rom-com. It's a movie within a movie, ganon," sabi ni JM tungkol sa pelikula na mula sa Black Sheep Productions. 

Nang tinanong naman si JM kung magkakaroon siya ng proyekto kasama ang dating ka-loveteam na si Barbie Imperial, "So far, wala pa pong nababanggit sa akin. May sariling career path yata si Barbie and ako. Siguro in the future," sagot niya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

“Friends?Lovers? or nothing? There can only be one.”- J. Mayer @msbarbieimperial

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on