Sarah Geronimo’s ring sets off engagement rumors again
Sarah Geronimo, may suot na nga bang engagement ring galing kay Matteo Guidicelli?
BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

1/4/2019 8:38 AM
Sarah Geronimo’s ring sets off engagement rumors again

Sa ulat ni MJ Felipe para sa TV Patrol, muling umugong ang balita na engaged na sina Kapamilya stars Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ito ay matapos maglabasan muli ang mga pictures ng suot na singsing ni Sarah na pinaghihinalaan ng netizens na engagement ring ng dalawa.

Ayon daw sa source ng abs-cbn news, unang napansin na suot ni Sarah ang singsing sa launch ng ASAP Natin ‘To.

Hindi ito ang unang pagkakataon na lumabas ang issue na engaged na ang dalawa pero walang kompirmasyon mula kay Sarah o Matteo kung totoo na ngayon ang balita.

Kahit na hindi magkasamang nag-celebrate ng holidays sina Sarah at Matteo, kapansin-pansin naman na mas madami raw ang bonding moments ng couple sa taong 2018. 

Magkasama rin sina Sarah at Matteo sa Cebu bago mag-Pasko kung saan nakilala ni Sarah ang lola ni Matteo.

READ: Sarah Geronimo bonds with Matteo Guidicelli’s family

Binisita rin ng dalawa ang mga bata sa Gualandi Effata Catholic School for the hearing impaired.