• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Star Power’ finalist Natasia Cunanan may panawagan kay Sharon Cuneta
‘Star Power’ finalist Natasia Cunanan may panawagan kay Sharon Cuneta
Muling dumudulog si Natasia Cunanan kay Sharon Cuneta na matulungan siya nito na maipagamot ang kanyang ina.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

1/11/2019 11:41 AM
‘Star Power’ finalist Natasia Cunanan may panawagan kay Sharon Cuneta
Photo credit: @reallysharoncunet/ @natasiacunanan on IG

Todo ensayo ngayon para sa isang concert with a purpose ang isa sa mga naging finalists ng ABS-CBN show na Star Power na si Natasia Cunanan.

 

Ang Star Power ay isang ABS-CBN singing search kung saan host si Sharon Cuneta at nagwagi si Angeline Quinto noong 2011.

Kuwento ni Natasia, todo ngayon siya sa pagkayod para inang may brain tumor.

“Itong benefit concert na ito is for my mother. Mayroon siyang brain tumor. Actually, na-operahan na siya before with the help of Miss Sharon Cuneta,” tugon ni Natasia sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

No one is you. That’s your power! 😉

A post shared by Natasia (@natasiacunanan) on

 

Aniya, ang Star Power host noon na si Megastar ang unang tumulong sa ina ni Natasia.

“Nung nalaman niya kung bakit ako sumali sa Star Power kasi para mapagamot nga ang mother ko, binulungan nya ako. Sabi niya, ‘Win or lose ako na bahala sa mama mo.’ Ngayon po nag-recur yung tumor at nagkaroon ng infections,” ani Natasia sa panayam.

At dahil muling nangangailangan ng malaking halaga para maipagamot ang inang may karamdaman, hiling ngayon ni Natasia na muli siyang matulungan ni Megastar.

“Sana mabigyan ng chance na makarating sa kanya itong condition ni Mama,” malungkot niyang pahayag.

Sa ngayon, nanatiling positibo si Natasia na may solusyon sa panibagong pagsubok sa kanilang pamilya.

Mapapanuod si Natasia ngayong January 11 sa Music Museum kasama sina Katrina Velarde at Angeline Quinto.