• Home
  • Fresh Scoops
  • Negi on Vice Ganda: ‘Lahat kami sa comedy bar, binibigyan niya ng moment’
Negi on Vice Ganda: ‘Lahat kami sa comedy bar, binibigyan niya ng moment’
Negi, nagkuwento tungkol sa kanyang pamilya at nilinaw na wala silang tampuhan ni Vice Ganda.
BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

1/11/2019 11:14 AM
Negi on Vice Ganda: ‘Lahat kami sa comedy bar, binibigyan niya ng moment’
Photo credit: @praybeytbenjamin on IG (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, isang malaking blessing para kay comedian Negi ang maging co-host ni Luis Manzano para sa bagong season ng Minute to Win It: Last Man Standing. Malaki din daw ang pasasalamat niya kay Luis na binigyan siya ng opportunity maging co-host nito.

Pero sa kabila ng tagumpay sa karera, ay may pamilya si Negi na noon ay pinanggalingan ng kanyang lungkot.

Kuwento ni Negi, hindi siya noon tanggap ng tatay niya at naranasan niyang saktan siya nito. Dahil daw dito, “Lumaki ako na hindi ako sa bahay nag-stay, more on sa kaibigan ako… Pinatunayan ko sa sarili ko na kaya kong buhayin yung sarili ko, so hanggang nagka-trabaho po ako, hindi pa rin po ako umaasa sa kanila.”

Pero kahit anong success daw ay uuwi at uuwi ka sa pamilya. Ayon kay Negi, “One time nagkaroon po ako ng problema, umuwi pa rin po ako sa bahay namin at nadatnan ko yung Papa ko na ganun na ang sitwasyon, may sakit na siya, buhay pa yung nanay ko nun.” Pagpapatuloy ng kuwento ni Negi, “Nung time na yun okay na kami ni Mama.”

Dati pala ay nagkaroon din ng problema si Negi at ang mama niya. “Bago nawala ang Mama ko nasabi ko lahat ng gusto kong sabihin sa kanya, yung mga problema ko. Naiyak na lang ako na kahit pala anong successful mo, uuwi’t uuwi ka sa pamilya mo.”

Ipinangako din daw niya sa nanay niya bago pumanaw ang nanay niya na, “Sige magpahinga ka na, Ma. Ako na ang bahala kay Papa.”

Dumating din sa punto na humingi ng tawad sa kanya ang papa niya at ngayon “okay na okay” na ang relasyon nilang mag-ama.

Wala ring problema sina Negi at Vice. Ito ang sagot niya matapos matanong tungkol sa pagkawala niya sa Fantastica, pelikula ni Vice Ganda. Ani Negi, “Wala po kaming tampuhan po ni Ate Vice, okay po ang realsyon namin. Lahat kami sa comedy bar, binibigyan niya ng moment. Tinutulungan niya kami bawat isa.”

READ: MC at Lassy, bakit palaging kasama ni Vice Ganda sa pelikula?

At kahit daw mawala sila sa movie ni Vice ay todo suporta pa rin sila. “Kapag gumagawa po si Ate Vice ng movie, kahit wala po kami ay sobrang suporta po.” Mapapanuod pa rin si Negi sa Gandang Gabi Vice kung saan si Vice Ganda ang host. 

WATCH Push Now Na Exclusive: Negi's bag raid