• Home
  • Fresh Scoops
  • Dahil sa new look, ilang proyekto ni Alessandra De Rossi na udlot
Dahil sa new look, ilang proyekto ni Alessandra De Rossi na udlot
Mas positibo at masayang Alessandra De Rossi ang aasahan ngayon 2019.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

1/11/2019 11:35 AM
Dahil sa new look, ilang proyekto ni Alessandra De Rossi na udlot

Looking forward ngayon para masaganang 2019 ang aktres na si Alessandra de Rossi.

Kasunod ito ng kanyang naging pakikipagtulungan sa VIVA Films kung saan bahagi siya ng pag po-produce ng ilang pelikula.

Patikim ni Alex, tatlong pelikula ang naka-line up sa kanya ngayon para sa 2019 kung saan isa siya sa magiging scriptwriter at bida sa ilan sa mga ito.

“Three movies, concept ko lahat and co-producer ako ng VIVA with my own production AWOO. so I’m happy doing this kasi talagang malapit ‘to sa puso ko,”

Bukod sa pagiging aktibo sa likod ng camera, looking forward din si Alex na makabalik sa telebisyon na kayang tanggapin ang kayang hairdo sa ngayon.

“I think kailangan ko mag-TV, although hindi ko siya magagawa ngayon kasi mga roles nag re-require ng wig, e hindi ko kaya na 24 hours naka suot sa ulo ko,”

Aniya, maraming nasakripisyong proyekto dahil sa kanyang naging bagong look.

“Pahinga ako talaga ngayon, good thing kasama ko ang pamilya ko so focus ako doon ngayon, Sana makapag TV ‘yung kaya tanggapin ang itsura ko,” ani Alex.

At dahil bagong taon, mas focus din ni Alex ngayon ang mga positibong tao at bagay sa kanyang paligid.

Kasunod ito ng kanyang naging malaman na pahayag sa Tonight With Boy Abunda tungkol sa mga plastik na tao sa buhay niya.

“Alam mo sa totoo lang, mabait talaga si God, I think hashtag blessed, Charot! Hindi I think pag may nawawalang tao, may bumabalik, ‘yun bang hindi mo na nakakausap before, biglang bumabalik, nawawala. Bigla silang bumalik lahat. Isa lang ang nawala, pero 20 ang bumabalik kaya talagang makaka move on ka,” pahayag pa ni Alex.

Sa ngayon, looking forward sa mas positibong 2019 si Alex sa kanyang mga proyekto sa VIVA Films.