Angelica Panganiban, gusto na nga bang magkaanak?
Angelica Panganiban initially expressed her desire to get married this year.
BY PUSH TEAM
1/11/2019 1:59 PM
Angelica Panganiban, gusto na nga bang magkaanak?
Photo credit: @iamangelica on IG

Matapos gulatin ang netizens nang sinabi niya sa kanyang Twitter account na gusto na niyang ikasal ngayong taon, marami rin ang natuwa at nagulat nang sabihin ng Playhouse star na gusto niya na rin bumili ng crib ngayong taon.

“Gusto kong bumili ng crib this year. Yung white. Para neutral,” ani Angelica.

Para sa kanyang online followers, tila nagpapahiwatig na ang aktres na bukod sa gusto niya nang mag-asawa ay handa na rin siya kung sakaling magkapamilya na siya ngayong taon.

Read: Angelica Panganiban, gusto nang mag-asawa ngayong 2019

 

Sa kasalukuyan ay single pa si Angelica ngunit siya’y kadalasang tinutukso sa kanyang ex-boyfriend na si Carlo Aquino na siyang nakatambal muli sa pelikulang Exes Baggage at sa teleseryeng Playhouse.

Gayunpaman, kahit na marami ang sumusuporta sa kanilang tambalan, ganoon din naman ang bashers at hindi ito nagustuhan ng aktres.

Sa kanyang Instagram post ay sinabi niyang hindi na makakarinig ang fans sa kanya ng kahit anong tungkol sa aktor.

Read: Angelica Panganiban reacts to a fan accusing her of hurting Carlo Aquino and tainting his reputation

Sa Twitter din ay tinanong niya ang pagkakaiba ng isang bully at basher.

“Maayos naman samahan namin. Sinira niyo lang. Sana masaya na kayo. Sana din matuwa idol niyo sa pagiwas ko sa kanya at malagay siya sa tahimik. Ako pala kasi sumisira sa idol ninyo. Enjoy 2019,” aniya.

“Saan ba ko nag kulang? Pinapasok ko naman kayo sa buhay ko. Bakit kayo nananakit? Didistansya lang naman. Nababahiran na kasi ng ka-showbizan. Para sa ikakabuti na din ng lahat,” dagdag pa ni Angelica.

 

 

Ipinakita naman ng kanyang fans ang kanilang suporta sa kanya at nagpasalamat siya.

 

 

Nalungkot naman ang fans nina Angelica at Carlo rito at sinabing sana’y magkaayos pa sila ngunit sinabi nito na, “Walang aayusin samin. Wala na lang kayong maririnig from now on tungkol samin. Magdadamot na ko.”