• Home
  • Fresh Scoops
  • Marian Rivera, itinangging ‘package deal’ sila ni Dingdong Dantes bilang endorser
Marian Rivera, itinangging ‘package deal’ sila ni Dingdong Dantes bilang endorser
Magkaiba ng managers sina Marian Rivera at Dingdong Dantes kaya di sila magka-‘package deal’
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

3/4/2018 10:38 AM
Marian Rivera, itinangging ‘package deal’ sila ni Dingdong Dantes bilang endorser

 

Sa grand media launch ng Cignal Prepaid last Monday, February 26, held at Solaire Hotel ay nilinaw ni Marian Rivera na hindi sila package deal ng asawang si Dingdong Dantes sa pagiging endorser ng kahit anong produkto o brand.

Paliwanag ni Marian, “Of course, si Dingdong, may sarili siyang manager, may sarili akong manager.

For sure, ‘yung kompanya na gusto si Dingdong, pupunta kay Perry.”

Si Perry Lansigan ng PPL Entertainment ang manager ni Dingdong simula pa nu’ng pumasok ito sa showbiz.

“And sa akin naman, yung Triple A (nina Rams David), so sila ang nakikipag-usap,” eksplika pa niya.

Sobrang laking blessing na raw na maituturing na magkasama sila sa endorsement tulad na nga lang ng nangyari sa isang prepaid cable provider.

“Siguro, napaka-blessed lang namin na nagkakaroon ng pagkakataon na as couple kaming kinukuha,” sabi pa niya.

Eh, sino ba ang mas mataas ang talent fee sa kanila ni Dingdong bilang endorser?

Natatawa niyang sagot, “Fair enough naman. Palagi naman kaming pantay for sure.”