• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson on Kim Chiu: ‘Alam ko naman po kung paano ako nagsimula, kung sino ang kasama ko’
Gerald Anderson on Kim Chiu: ‘Alam ko naman po kung paano ako nagsimula, kung sino ang kasama ko’
Gerald Anderson, may ibinuking tungkol sa mga naging leading lady.
BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

3/28/2018 10:56 AM
Gerald Anderson on Kim Chiu: ‘Alam ko naman po kung paano ako nagsimula, kung sino ang kasama ko’
Photo credit: @chinitaprincess (L) on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, may ibinuking ni Gerald Anderson tungkol sa mga naging leading ladies niya. Ayon kay Gerald, si Arci Munoz ang leading lady niya na madalas makatulog sa set. “Nakatulog po siya sa gitna ng eksena namin. As in, saka talagang maganda talaga yang eksena na yan sa Always Be My Maybe, nasa Valentine’s date kami kunwari. And tapos na siya, so shot ko na, naglilinya ako, so nakita ko yung ulo niya gumanun. Tapos hindi ko alam kung itutuloy ko yung eksena. Laging tulog.”

Si Maja Salvador naman daw ang madaldal. Ani Gerald, “cute na daldal.” Dagdag pa niya kay Maja, “palabiro at mahilig mang-asar. Malambing sa mga tao.”

Ang madalas naman daw magdala ng pagkain sa set ay si, “miss Bea Alonzo. She cooks saka yung diet niya healthy food.” Si Bea din daw ang maasahan ni Gerald kung sakaling magkakaroon ng emergency.

Gusto naman makatrabaho uli ni Gerald si Sarah Geronimo. “marami din pong fans na gustong makita kami and katulad din sa amin ni Kim (Chiu) parang may mga fans na binigay yung Ikaw Lang ang Iibigin. I think they deserve another.”

Si Kim naman daw ang nagturo sa kanya ng isang great life lesson na, “just never forget where you came from, kung paano ka nagsimula before all these blessings. Alam ko naman po kung paano ako nagsimula, kung sino ang kasama ko.”