Catriona Gray, paborito ng Miss Universe fans
Sa pre-arrival pa lang ng mga kandidata, nanguna na agad ang bet ng Pilipinas na si Catriona Gray.
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

12/7/2018 9:07 AM
Catriona Gray, paborito ng Miss Universe fans
Photo credit: @catriona_gray on IG

Kanya kanyang suporta sa mga kandidatang paborito at mga reveal ng “Hot Picks” ang mga Miss Universe fans matapos ang isang lingo ng 2018 Miss Universe sa Thailand.

 

Sa pre-arrival pa lang ng mga kandidata, nanguna na agad ang bet ng Pilipinas na si Catriona Gray.

 

Si Catriona din ang choice ng Latin pageant fans at mahigpit daw ang magiging laban ng Miss Philippines kasama sina Miss Venezuela, Miss Colombia na mga suki at panorito ngayong taon.

 

Ang first transgender candidate na si Angela Ponce ng Spain ang bet naman na ipanalo ng ibang pageant watchers dahil sa napapanahon na discrimination.

Pero, mas mapapansin na number three din sa kanilang choice si Catriona Gray ng Pilipinas.

 

Sa opinion ng Miss Universe fans, nahuhusgahan kaagad ang ilang kandidata dahil sa mga issues at advocacies na kanilang ipinaglalaban.

Kaya naman, inaasahan na isa ito sa mga pinaka exciting na Miss Universe pageants, na mapapanood ngayong darating na December 17.