• Home
  • Fresh Scoops
  • Lea Salonga, positibong makukuha ni Catriona Gray ang 4th Miss Universe crown para sa Pilipinas
Lea Salonga, positibong makukuha ni Catriona Gray ang 4th Miss Universe crown para sa Pilipinas
2011 nang minsan naging hurado si Lea Salonga sa Miss Universe.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

12/6/2018 11:27 AM
Lea Salonga, positibong makukuha ni Catriona Gray ang 4th Miss Universe crown para sa Pilipinas
Photo credit: @catriona_gray on IG (L)

Isa ang Broadway Diva na si Lea Salonga sa mga minsan naging hurado sa Miss Universe Pageant noong 2011.

Kaya naman, hindi naiwasan na itanong sa kanya kung ano sa tingin niya ang magiging laban ni 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray.

“I didn’t see her in Binibining Pilipinas, and I’ve not looked at her interviews but from people who have worked with her, they all say that she has a chance kasi nga matalino and magaling sumagot. It’s not just her physical beauty, may utak daw talaga ‘yung bata. So if that’s the case, then you have the chance,” bungad ng Broadway Diva sa launching ng kanyang Bahaghari album.

Dagdag pa ng international singer, “Kasi ano naman ‘yung ganda mo, if there’s nothing behind so I’m hoping with Catriona there is something behind her.”

Kung tatanungin naman kung sa palagay ba niya ay nakakatulong ang Pinoy judges as Miss Universe pageant para sa Pinay candidates, “It doesn’t really matter and if you put a Filipino judge, that’s really objective and it really won’t matter, because they’re going to look at everybody,” pahayag pa ng International singer.

Sa ngayon, looking forward si Lea sa kanyang mga paparating na international project sa unang bahagi ng 2019.