• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales, may magandang balita para sa fans ng ‘Halik’
Jericho Rosales, may magandang balita para sa fans ng ‘Halik’
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

12/6/2018 11:06 AM
Jericho Rosales, may magandang balita para sa fans ng ‘Halik’

Sa naganap na media conference ng 2018 Metro Manila Film Festival Movie na Girl In The Orange Dress, hindi napigilan ni Jericho Rosales na sabihin ang good news tungkol sa kanyang Kapamilya series na Halik na mas umiinit pa ang kuwento.

“Extended kami! Extended na kami. Unang balita sa amin eto it’s unofficial pero ang hinihingi sa akin until March 2019,” sabi pa ni Echo.

At dahil nadagdagan ang blessing sa kanyang career, in-adjust ng aktor ang bakasyon kasama ang misis na si Kim Jones.

 

 

“Dapat magbabakasyon na ako ng Feb so we will see. Inaayos namin yun. Kim is okay. Naintindihan niya naman yun. What more can I ask for? Meron akong show na lahat ng cast, director, and staff kaibigan ko. Masaya kami, nangungulit kami sa set. Nakikita nyo naman sa behind the scenes namin,” paliwanag pa ng aktor.

Proud din si Jericho sa dami ng projects na kanyang nagawa, isa ang Halik sa mga tumatak at kinapitan ng mga manunuod.

“It’s a hit show. It’s better than starting another one, ‘di ba? Parang eto na naman. This one ok na kami, masaya kami [na] tinatrabaho lang namin lahat,” pahayag pa ni Jericho.

Asahan ang mas marami pang mga pasabog at twist sa kuwento ng Halik na napapanood gabi-gabi sa ABS-CBN.