• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex at Toni Gonzaga naniniwalang perfect project ang ‘Mary, Marry Me’
Alex at Toni Gonzaga naniniwalang perfect project ang ‘Mary, Marry Me’
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

12/6/2018 11:20 AM
Alex at Toni Gonzaga naniniwalang perfect project ang ‘Mary, Marry Me’
Photo credit: @celestinegonzaga on IG

Sa unang pagkakataon, magsasama sa isang pelikula ang magkapatid na sina Alex at Toni Gonzaga sa Mary, Marry Me na isa sa mga kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Dito, susubukin ang samahan ng magkapatid na magkakagusto sa iisang lalaki.

Aminado si Toni na matagal na nila gusto magsama sa isang proyekto ni Alex pero natagalan dahil sa paghahanap ng ba bagay na istorya para sa kanila.

“Dream namin talaga magkaroon ng movie and it took a while because were really [looking for] the right material na bagay sa amin,” sabi ni Toni.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Mary Anne x Mary Jane #marymarrymemmff2018 full trailer link in bio👆🏻

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on

 

“What if sa dalawang magkapatid isang lalake ang makakasira sa relationship?” dagdag naman ni Alex.

Sinagot din ni Toni ang dahilan kung bakit hindi ang kanyang mister na si Paul Soriano ang nag-direct ng Mary, Marry Me.

“Hindi niya daw kami kaya i-handle. Masyado daw personal. Sabi niya, ‘It’s too personal. It’s already a family project. If I direct it, it’s going to be too personal for me,’” paliwanag pa ni Toni.

Ipapalabas sa December 25 ang Mary, Marry Me at ang iba pang pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.