• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinoy Big Brother housemates napa-throwback sa mga experiences sa ‘PBB’ house
Pinoy Big Brother housemates napa-throwback sa mga experiences sa ‘PBB’ house
Naalala ng ilang housemates ang kanilang mga naranasan sa loob ng bahay ni Kuya.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

11/9/2018 12:10 PM
Pinoy Big Brother housemates napa-throwback sa mga experiences sa ‘PBB’ house
Photo credit: @roxannebarcelo on IG (C)

Inaabangan na ngayon ang nalalapit na pagbubukas ng Pinoy Big Brother house. Kasabay nito, nagbalik tanaw ang ilan sa mga naging bahagi ng bahay ni Kuya.

Una na si Roxanne Barcelo na bahagi ng Pinoy Big Brother celebrity edition noong 2007. Sa naging guesting niya sa Magandang Buhaym inamin niya na malaking bahagi ng kanyang personalidad ngayon ang mga aral na natutunan sa PBB.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Goodnight...💋

A post shared by Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo) on

 

“Aminado talaga ako, noong nag-PBB ako, doon ko talaga nakita ang sarili ko na parang grabe wala akong inner strength and I needed to work on it. And I really need to thank Kuya for that experience, because PBB made me realize na I need to be a stronger woman,” sabi pa ni Roxanne.

Gaya ni Roxanne, napa-throwback din si Cora Waddell na isa sa mga big four ng PBB Season 7.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Somebody got a ringlight today....

A post shared by Coraleen Waddell (@coraleenwaddell) on

 

“I remembered my hard moments, but ang masasabi ko is yung mga eviction task yung mga challenges, do your best, because when you go back and watch it, yung nag task na ginagawa yung mga hamon, ma impress ka sa sarili mo,” pahayag pa ni Cora sa panayam.

Special participation naman ang ibinunyag ng big winner ng Teen Edition na si Myrtle Sarrosa.

 

Patikim ni Myrtle, bilang big winner bahagi siya sa mga dapat abangan sa muling pagbubukas ng bahay ni Kuya.

“Actually kaming mga Big Winner parang may secret task po kami for the upcoming opening of Pinoy Big Brother. I’m very excited so sana panuorin po nila,” pahayag ni Myrtle.

Sa darating na Sabado, November 10, magsisimula ang Pinoy Big Brother Otso.