• Home
  • Fresh Scoops
  • JC Santos and Ryza Cenon reveal how they bond as Mr. and Mrs. Cruz
JC Santos and Ryza Cenon reveal how they bond as Mr. and Mrs. Cruz
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

1/20/2018 10:46 AM
JC Santos and Ryza Cenon reveal how they bond as Mr. and Mrs. Cruz

 

Bibida sa isang kakaibang love story ngayong January 24 sina JC Santos at Ryza Cenon sa Mr. and Mrs. Cruz.

Sa naging panayam na ito kay JC at Ryza, ibinahagi nila kung paano nila binuo ang kanilang chemistry, lalo na at first time nilang magkakilala sa proyekto.

"Marami ako natutunan lalo na doon sa side ng theater. Tinuturuan niya (JC) din ako yung mga voicing and yung process ng kung paano sila mag-start sa play," sabi pa ni Ryza.

Kuwento pa ni Ryza, nagkaroon din ng free coaching si JC sa kanya na naging bonding nila sa set.

 

"Yes yun ang naging bonding na din namin yun. Tulungan yun and kailangan kasi namin magkaroon ng chemistry," ani pa ng aktres.

Todo papuri din si JC para sa naging dedikasyon ni Ryza sa kanyang karakter bilang Mrs Cruz.

 

"Si Ryza naman matagal ko nang napapanuod. Isang aktres and ngayon katrabaho ko na kaya I’m very grateful for this opportunity," sabi naman ni JC.

"For me, isa siya sa mga pinakadisiplinadong tao na nakilala ko. Well matagal na din siya sa industriya tapos bago ako kaya talagang ang dami ko natutunan," dagdag pa ng aktor.

Pagdating naman sa kanilang mga karakter, aminado si JC na minahal niya ang role niya dahil dumaan umano ito sa proseso ng kagaya sa teatro na malapit sa puso niya.

"Minahal ko ang pelikula kasi nagkaroon siya ng proseso na parang theater, and doon naman ako masaya yung proseso ng pag-arte yung acting, story telling. And masaya ako na si Direk Sigrid (Bernardo) ang naging katrabaho ko," saad pa ni JC.

Kung malapit para kay JC ang kanyang role, kabaligtaran naman ito para kay Ryza na malayong-malayo sa kanyang karakter sa tunay na buhay.

"For me mahalaga siya kasi una sa lahat, first movie ko ito in mainstream and talagang pinaghirapan talaga namin ito and dami kong isinakripisyo para sa pelikulang ito (laughs). Hindi, yung character ko kasi dito sobrang layo sa character ko sa totoong buhay kaya sobrang challenging po para sa akin," pahayag ni Ryza.

Mapapanuod ang Mr. and Mrs. Cruz ngayong January 24 sa mga sinehan nationwide sa direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo.