• Home
  • Fresh Scoops
  • Vilma Santos, tumanggap ng Gawad Urian Lifetime Achievement Award
Vilma Santos, tumanggap ng Gawad Urian Lifetime Achievement Award
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

7/21/2017 12:47 AM
Vilma Santos, tumanggap ng Gawad Urian Lifetime Achievement Award

 

Present sa katatapos lang na 40th Gawad Urian Awards ang iba't ibang bituin ng showbiz industry kabilang na si "Star for All Seasons" Vilma Santos-Recto na tumanggap ng Gawad Urian Lifetime Achievement award.

Ayon sa aktres at pulitiko, malaki ang utang na loob niya sa 'Urian' dahil sa pagkilala nito sa kanya mula noon hanggang ngayon.

 

 

"Malaki ang utang na loob ko sa 'Urian'. I guess I'm lucky enough to be given ng eight awards kaya ayun lang ay dapat ko nang ipagpasalamat," aniya.

Dagdag pa ng beteranong aktres, malaking bagay sa kanya ang karangalang ibinigay at masarap sa pakiramdam na kahit na isa na siyang public servant ngayon ay hindi pa rin siya nakakalimutan sa industriya.

Narito naman ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 40th Gawad Urian.

Best Actor - Paolo Ballesteros (Die Beautiful)

Best Actress - Hasmine Kilip (Pamilya Ordinaryo)

Best Supporting Actor - Christian Bables (Die Beautiful)

Best Supporting Actress - Sharifa Pearlsia Ali-Dans (Women of Weeping River)

Best Direction - Sheron Dayoc (Women of Weeping River)

Best Editing - Women of the Weeping River (Carlo Manatad)

Best Picture - Women of the Weeping River

Gawad Urian Lifetime Achievement Award - Vilma Santos - Recto

Best in Cinematography and Best in Screenplay - Women of the Weeping River

Best in Production Design - Saving Sally

Best Documentary - Sunday Beauty Queen (Baby Ruth Villarama-Gutierrez)

Best in Sound - Hinulid (Mark Laccay)

Best in Short Film - Nakaw

Best Music - Tuos (Jema Pamintuan)