• Home
  • Fresh Scoops
  • Ariella Arida answers issue romantically linking her to Willie Revillame
Ariella Arida answers issue romantically linking her to Willie Revillame
The beauty queen reveals the TV host is generous not only to her but to ‘everyone.’
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

6/12/2017 6:16 AM
Ariella Arida answers issue romantically linking her to Willie Revillame

Sa launching ni Ariella Arida bilang endorser ng Cosmo Skin GSE ay hindi naiwasang usisain ng media kung totoong naging karelasyon niya si Willie Revillame na kasama niya sa programang Wowowin.

“Wow, hindi naman!” matigas na pagtanggi agad ng dating beauty queen. “Hindi po. Kuya ko yon,” hirit pa niya.

Ayon pa sa dating beauty queen, galante raw talagang magregalo ang host pero hindi lang daw sa kanya.

“Ano naman po, hindi lang sa akin, sa lahat po sa amin. Kasi si Kuya pag natutuwa siya, halimbawa okey yung mga ginagawa namin, parang pinaka-bonus niya po sa amin yon (regalo). Pero hindi lang ako, lahat po kami,” katwiran pa niya. Nabigyan na ba siya ng Hermes bag ni Willie?

“Ay grabe. Naku, hindi po. LV (louis vuiton) po,” kaswal niyang sagot.

Patuloy pa niya, “Si Kuya po, kung paano siya sa ibang staff ganun din po siya sa akin. Saka alam naman niya din na ano (na may boyfriend siya).”

Eh, kumusta naman ang kanyang love life?

“Ganun pa rin po. Stable. Same pa rin po. I don’t know kung disadvantage o advantage na yung buhay ko is super monotonous, pero masaya naman po.”

Pinili ba niyang mas maging private ang personal life niya?

“I guess mas nakakatulong sa akin na yung part na yon, siguro… I’d rather be discreet o tahimik lang. Pero hindi naman yung parang tinatago talaga.”

Bukod sa hosting, balak ding subukan ni Ariella ang pag-aartista. Nabanggit din niya kung sino ang kanyang ideal leading man.

“I would always say, kahit na nung kabataan ko pa lang, si Piolo (Pascual) talaga yung gusto kong maka-partner,” kinikilig niyang pahayag.

“Gusto ko siya lalo na acting-wise. He’s very professional, he’s been in the industry for the longest time and of course, di ba, sobrang ‘pappable’ talaga siya.

“I’ve met Piolo na rin po and he’s very ano, eh, hindi ka mai-intimidate. He’s very down to earth kaya mas do’n ko siya lalong na-appreciate,” pagtatapos ng 2015 Miss Universe 3rd runner-up.