• Home
  • Fresh Scoops
  • JK Labajo admits he feels more of an actor than a singer now
JK Labajo admits he feels more of an actor than a singer now
JK Labajo says that his role in ‘A Love to Last’ made him explore acting more.
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

5/25/2017 9:53 AM
JK Labajo admits he feels more of an actor than a singer now

052517-JKLabajo_PUSH.jpg

Mula sa pagiging mang-aawit, masaya ngayon si JK Labajo para sa kanyang performance tuwing gabi sa pagganap niya bilang si Lucas sa A Love To Last.

Aminado si JK na nagsisimula pa lang sa pag-arte na marami pa siyang kailangan pagdaan pa bilang artista.

"I am flattered kasi for me, I am not good enough so I really feel happy when people compliment me with all those really amazing stuff. Pero actually wala pa akong acting workshops so I am really planning on doing some acting workshops kasi I really feel I need it."

Malaki din ang pasasalamat ni JK sa break na ibingay sa kanya ng A Love To Last na nagbigay din sa kanya ng maraming kaalaman sa pag-arte.

"A Love To Last made me explore acting more. Tapos mas naging wide yung range ko sa acting at mas naging wide yung knowledge ko about how this works. I fell in love with it. Actually back then, people would always ask me, ‘Ano ang mas pipiliin mo, acting or singing?’ Sasabihin ko, ‘I am more known as a singer who can act.’ But now, I want to be known as an actor who can sing."

Dahil din sa kanyang karakter, tila marami din ang fans ng Anton at Andeng tandem ang naapektuhan sa kanyang pagganap.

"Actually, ang dami pong [nangba-bash]. The people on set, I ask them, is it okay na ganito or baka masira ako or whatever? Tapos sabi nila it’s actually great kasi effective daw yung acting ko. Sabi nila I should be proud kasi naaapektuhan ang mga tao," pahayag pa ni JK.