• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto says she has no doubts about Erik Santos’ sexuality
Angeline Quinto says she has no doubts about Erik Santos’ sexuality
Angeline Quinto plays a friend to 4 gays in That Thing Called Tanga.
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

7/25/2016 1:41 PM
Angeline Quinto says she has no doubts about Erik Santos’ sexuality
072516-AngelineQuinto_PUSH.jpgInamin ni Angeline Quinto sa presscon ng pelikula niyang That Thing Called Tanga Na naging broken hearted siya two years ago dahil sa kanyang non-showbiz boyfriend.

“Siguro hindi po talaga nag-work para sa amin. Medyo nagkaroon po ng problema simula po nung naging busy ako sa trabaho ko, so, pinagselosan lahat.”

So, si Erik Santos na ba ang sumunod niyang naging boyfriend?

After po nun, yes, si Erik po yung medyo naging malapit sa akin. Siya po ang nagpaintindi sa akin na naging tanga ako sa pag-ibig.

“Ngayon po masaya naman ang puso ko. Wala lang po akong relationship ngayon pero masaya ako at sa dami ng work ko siguro ngayon hindi ko na rin po naiisip yon, na pumasok sa isang relasyon ngayon,” pahayag ni Angeline.

Ano naman ang naging reaksyon niya sa sinabi ni Erik sa isang presscon na “bakit, naging kami ba?”

“Ganu’n naman siya lagi sumagot, eh, ‘bakit, naging kami ba?’ Feeling ko nga minsan, talagang pinapatamaan niya ako kasi, ang daming nagsasabi na pinag-aantay ko siya hanggang ngayon,” rason niya.

Dagdag pa ni Angeline, “Eh si Erik po kasi, gusto na niyang mag-asawa. Kasi nga, ilang taon na siya. So, pag pinag-uusapan po namin ‘yun, very vocal naman ako sa kanya na ganu’n.”

Eh, hindi ba siya nanghihinayang na hindi sila naging magkarelasyon ni Erik?

“Sobrang sayang po talaga, pero siguro, hanggang doon lang,” sagot niya.

Ang That Thing Called Tanga Na ay istorya ng apat na bading na magkakaibigan na ginagampanan nina Eric Quizon, Kean Cipriano, Martin Escudero at Billy Crawford. Si Angeline naman ang bukod tanging babae na kaibigan ng apat.

Dahil dito naitanong namin kung hindi ba niya pinagdudahan ang pagkalalaki o gender ni Erik?

Never po, kahit marami akong naririnig, never. Kasi, hindi naman siya ganu’n sa akin, wala akong nakitang kahit ano,” sagot agad ng singer-actress.

Sa pagkukumpara naman ni Direk Joel kay Angeline at Sharon Cuneta may reaksyon din si Angge.

“Siyempre, kay Ma’m Sharon ako nanggaling, ‘di ba? Siyempre po nagulat na maikumpara ako kay Ma’m Sharon. Ang daming umiidolo do’n at isa na po ako do’n.

“Sabi ko nga po kay Direk Joe (Lamangan) at Direk Eric Quizon, kung mabibigyan ako ng chance na gawin yung movie nila ni Herbert Bautista na yung tomboy siya at bakla si Herbert… yung Jack & Jill, sobrang paborito ko kasi yon, sabi ko, sana kung may chance na mai-remake yon, sana mapili ako kasi sobrang challenging yung role na yon kung sakali,” sabi pa ni Angeline.