• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach is excited to be with her Mom
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach is excited to be with her Mom
Pia Wurtzbach’s Mom wants to visit her in New York
BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

1/6/2016 11:28 PM
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach is excited to be with her Mom
010615-pia_main.jpgSa ulat ni Dyan Castillejo para sa TV Patrol, excited na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na makapiling ang kanyang Mommy na si Cheryl Alonzo Tyndall. Based sa London ang Mommy ni Pia at madalas silang mag-usap sa pamamagitan ng Skype.

 
Hindi nakapunta sa Las Vegas si Mommy Cheryl para sa pageant kung kaya nanuod na lang ito via live streaming. Kwento ni Pia, “Nanunuod siya through live streaming. Nung in-announce ako na first runner up tumayo na siya nun. E hindi pa niya pinapatay ang laptop, nung narinig niya ako yung winner bumalik siya, balik siya sa laptop. Buti na lang daw hindi pa niya pinapatay. Nagpaplano na agad siya na gusto niyang pumunta dito sa New York.”

Malamang sa grand homecoming na magkikita si Pia at si Mommy Cheryl. Dagdag ni Pia, “Mauuna yun sa Philippines kasi naiwan ko dun yung condo ko, saka yung kotse ko. Walang nag-aasikaso, so uwi muna siya para asikasuhin yun.”